Direktang itinuro ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang umano’y nasa likod ng isang plano para magpadala at maghanda ng mga testigo sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang opening statement sa confirmation of charges hearing nitong Lunes, inilabas ni defense counsel Nicholas Kaufman ang umano’y transcript ng isang tawag sa telepono. Ayon sa kanya, may isang hindi pinangalanang indibidwal na kumokontrol umano sa mga testigong ihaharap laban sa dating pangulo.
Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng Malacañang kaugnay sa paratang.
Nahaharap si Duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga. Batay sa opisyal na datos ng pamahalaan, mahigit 6,200 katao ang nasawi sa mga operasyon. Gayunman, tinatayang maaaring umabot sa 30,000 ang bilang ng mga namatay ayon sa mga human rights organizations.
Nakatakda ang pagpapatuloy ng mga pagdinig sa Pebrero 24, 26, at 27.













