-- ADVERTISEMENT --

Ipinagmamalaki ni Local Government Secretary Jonvic Remulla na mas epektibo pa rin ang kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kumpara sa nakaraang pamahalaan.

Ayon sa kalihim, bagama’t marami ang nasawi sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa rin tuluyang naalis ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa.

Sa kasalukuyang administrasyon naman, sinabi ni Remulla na sinasagawa ang kampanya alinsunod sa batas, at walang extrajudicial killings ang nagaganap.

Bukod dito, nagpapatuloy ang malawakang pag-aresto sa mga sangkot sa iligal na droga, na pinapabilis ng tutulungan ng kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).