Posibleng maghain ng Motion for Reconsideration ang House of Representatives bilang prosecutor sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Retired Judge Lorenzo Balo, Provincial Legal Adviser ng Sultan Kudarat, sinabi nitong may mga legal grounds na maaaring magbago sa desisyon ng Supreme Court.
Paliwanag ni Judge Balo, base sa ruling ng Korte Suprema, tatlo sa mga Articles of Impeachment ang itinuring na terminated kasabay ng pag-adjourn ng sesyon ng Kamara.
Ngunit nilinaw niya na hindi pa adjourned ang House nang matanggap ng Senado ang ika-apat na impeachment complaint,isang basehan na maaaring gamitin ng Kamara sa pag-apela sa desisyon.
Kaugnay nito, sinabi ni House Spokesperson Princess Abante na nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang Kamara, at nakadepende na sa Senado kung paano ito mag-aakto sa naturang reklamo.
Giit ni Abante, naging tama ang mga hakbang ng Kamara at ito’y alinsunod sa batas at sa Saligang Batas.
Una rito, sinabi ni Judge Balo na bilang isang abogado ay iginagalang din nito ang naging desisyon ng Korte Suprema.