-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni Benjamin Netanyahu na minaliit o ininsulto niya si Hesus kasunod ng batikos sa kanyang pahayag na naghahambing dito kay Genghis Khan.

Ayon kay Netanyahu, “fake news” ang mga akusasyon at nilinaw niyang ginamit lamang niya ang ideya ng historyador na si Will Durant—isang kilalang tagahanga ni Hesus—tungkol sa kahalagahan ng balanse sa pagitan ng moralidad at lakas militar.

Ipinaliwanag niya ang konsepto na kahit ang isang “morally superior civilization” ay maaaring matalo kung wala itong sapat na kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa malupit na kalaban.

Ginawa ni Netanyahu ang paglilinaw matapos umani ng matinding batikos ang kanyang talumpati, kung saan sinabi niyang noong sinaunang panahon, walang malinaw na bentahe si Hesus kumpara kay Genghis Khan—isang pahayag na layong idiin ang kahinaan ng moralidad kung hindi ito sinasabayan ng lakas.

Dahil dito, maraming sektor, kabilang ang ilang lider ng simbahan, ang nagpahayag ng galit at tinawag ang naturang paghahambing na mapanira at hindi nararapat.