-- ADVERTISEMENT --

Naaresto ang isang street level individual sa isinagawang buy-bust operation ng South Cotabato PNP sa Barangay Lambuntong , Surallah, South Cotabato nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Agosto 2024.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Jepoy”,33 taong gulang, karpintero, may asawa at residente ng Barangay Lamian, Surallah, South Cotabato.

Bandang 11:55 ng umaga nahuli ang suspek sa pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station at PDEA 12 sa isinagawang buy-bust operation. Nakumpiska ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.02 grams na nagkakahalaga ng 1,3600 pesos.

Patuloy ang PNP sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot para sa drug-free at mas matiwasay na komunidad.