-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur kaugnay sa naganap na ambush na ikinasawi ng isang motorista kahapon, araw ng Linggo.

Kinilala ang biktima na si Datu Adzis Kanakan Utto Mandangan, na nasa wastong edad.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ng kanyang motorsiklo si Mandangan nang harangin siya ng mga suspek at pagbabarilin gamit ang mga baril.

Nagtamo ng maraming tama ang nasabing biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, at sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at alamin ang motibo sa pagpaslang sa nasabing biktima.