-- ADVERTISEMENT --

Nagpaabot ng babala ang Iran na handa silang tumugon sa anumang agresibong aksyon o operasyong militar ng Estados Unidos.

Ayon kay Foreign Minister Abbas Araghchi, handa na ang bansa na magpanumbalik ng pwersa sakaling umatake o magsagawa ng anumang militar na operasyon ang US.

Naunang nagpahayag si US President Donald Trump ng planong ipadala ang “massive armada” ng US naval vessels sa katubigan sa paligid ng Iran, ngunit iginiit ni Araghchi na sasagutin ng Iran ang anumang karahasan nang may katumbas na pwersa.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal ng Iran na handa rin ang bansa na ipagpatuloy ang patas at mapayapang implementasyon ng nuclear deal, na kapaki-pakinabang parehong sa US at Iran, nang hindi gumagamit ng puwersa.

Iginiit din niya na bukas ang Iran sa anumang uri ng dayalogo sa US, basta ito ay walang pamimilit, pananakot, o karahasan.