Ipinahayag ng mga pamilya ng mga namatay sa mga protesta sa Iran na hinihingan sila ng mga awtoridad ng malaking halaga bago maibalik ang mga bangkay para sa libing.
Ayon sa marami, ang mga katawan ay pinananatili sa mga mortuary at ospital, at hindi ito pinapalaya maliban kung magbabayad ang mga kamag-anak.
Hindi bababa sa 2,435 katao ang namatay sa loob ng higit dalawang linggong protesta sa buong bansa.
Ayon sa kanila, ang katawan ay nasa mortuary ng Poursina Hospital, kasama ng hindi bababa sa 70 pang mga namatay na nagprotesta.
Isang pamilya sa hilagang lungsod ng Rasht ang nagsabi na humiling ang mga pwersang panseguridad ng $5,000 – £3,700 o katumbas ng P297,190 hanggang P294,458.62 para maibalik ang katawan ng kanilang mahal sa buhay.
Sa ilang kaso, tumatawag ang mga tauhan ng ospital sa mga kamag-anak ng namatay upang bigyan sila ng maagang babala na kunin ang mga katawan bago hingin ng pwersa ang anumang bayad.
Nagsimula ang mga demonstrasyon sa kabisera, Tehran, noong 29 Disyembre, kasunod ng matinding pagbaba ng halaga ng Iranian currency laban sa dolyar. Habang kumalat ang protesta sa dose-dosenang ibang lungsod, tumutok ito laban sa mga clerical na pinuno ng Iran at naglunsad ang mga pwersa ng seguridad ng marahas na crackdown.
Ayon sa US-based Human Rights Activists News Agency (HRANA), hindi bababa sa 2,435 protesta ang namatay mula nang magsimula ang kaguluhan, kasama ang 13 bata at 153 katao na konektado sa pwersa ng seguridad o gobyerno.
Iniulat din na 18,470 na protesta ang naaresto.













