-- ADVERTISEMENT --

Hindi inaasahan ang trahedyang yumanig sa Barangay Ticulon, Malita, Davao Occidental kahapon, matapos bawian ng buhay ang isang buntis na ginang nang mabagsakan ng puno ng niyog habang naglalaba malapit sa kanilang tahanan.

Ayon sa ulat, kabuwanan na ng ginang nang mangyari ang insidente. Agad siyang naisugod sa pinakamalapit na ospital, subalit hindi na nailigtas maging ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Nagluksa ang buong komunidad sa pagkamatay ng mag-ina na kilala bilang masipag, tahimik, at mapagmahal na asawa at ina.

Kasalukuyan nang nakaburol ang ginang sa kanilang tahanan sa Barangay Ticulon, at sa isang kabaong ay kapiling niya ang hindi na naisalbang sanggol.

Sa gitna ng trahedya, muling nagpaalala ang mga lokal na opisyal sa publiko na maging mapagmatyag sa kapaligiran lalo na sa panahon ng tag-ulan kung kailan mas mataas ang panganib ng pagbagsak ng matataas o lumang mga puno.