Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Illegal Possession Of Firearms And Ammunitions ang lalaki sa Barangay Lumasal, Maasim, Sarangani Province, matapos marekober sa loob ng tahanan nito ang mga hindi lisensyadong baril at mga bala nito lamang Ika-10 Setyembre 2024.
Ayon kay Police Major Herman Jovero Luna, Hepe ng Maasim Municipal Police Station, Tagumpay parin ang kanilang ikinasang search warrant operation kahit na wala ang target ng operasyon na kinilalang si alias “Tores”.
Samantala, sinaksihan naman mismo ng mga anak at iba pang nakatira sa mismong bahay ng suspek ang isinagawang paghahalughog ng mga awtoridad kung saan narekober sa loob ng pamamahay ang isang unit ng .357 cal. Revolver, isang unit ng .22 caliber revolver, isang yunit ng Cal. 45 pistol na baril na may kasamang magazine, at mga samo’t saring mga bala ng baril.
Dahil rito sa kasong paglabag sa RA 10591 ang isasampang reklamo sa suspek na ngayo’y patuloy paring pinaghahanap ng otoridad.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni PMaj Luna na patuloy ang Maasim MPS sa kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.