-- ADVERTISEMENT --

Isinailalim na sa State of Calamity ang ilang lugar sa Special Geographic Area (SGA) matapos ang matinding pagbaha na nakaapekto sa malaking bahagi ng nasabing lugar.

Ayon kay MILG Special Assistant to the Minister MP Tomanda Antok, nasa limang munisipyo na sa SGA ang lubhang naapektuhan ng pagbaha, dahilan upang ideklara ng mga lokal na pamahalaan ang State of Calamity.

Mismong nakita ni Antok ang lawak ng pinsala sa isinagawang aerial survey ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), kasama ang 6th Infantry Division (6ID), Office of Civil Defense–BARMM (OCD-BARMM), at Ministry of Social Services and Development (MSSD).

Bilang tugon, inihayag ng MILG na agad itong magrerekomenda ng pamamahagi ng relief supplies, gamot, hygiene kits, at pansamantalang matutuluyan para sa mga residenteng labis na naapektuhan ng pagbaha.