Hustiya ang hiling ng pamilya ng Barangay Kapitan na nasawi sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation Detection Group Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) kamakailan.
Ayon kay Mayor Edna Ogka Benito, itinuring niyang ambush at rubout ang nangyari sa operasyon ng CIDG.
Kaugnay niyo, nais niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamangkin na si Barangay Poblacion Balabagan Chairman Billy Jack Taroroc Ogka.
Iginiit ni Mayor Benito na walang palitan ng putok na nangyari sa pagitan ng grupo ni Kapitan Billy Jack at mga operatiba ng CIDG BAR.
Wala rin umanong katotohanan ang bintang na sangkot sa gun running activity o illegal na pagbebenta ng baril ang kanyang pamangkin na si Billy Jack.
Ibinuyag din ng alkalde na mayroon umanong nawawalang Php500,000 pesos na Cash sa sasakyan ng opisyal.
Kaugany nito, hiling ng alkalde na maglunsad ng patas na imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.
Sa ngayon, hawak na umano ng pamilya ang CCTV Footage na siyang magiging basehan ng imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.
Kasabay nito, nanawagan din ang alkalde sa kanilang mga kamag-anak na maging mahinahon, kalmado at idaan ang lahat sa tama at legal na proseso.