-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na nagluluksa sa ngayon ang buong bayan ng South Upi Maguindanao del sur matapos na mapatay sa Ambush si Vice Mayor Roldan Benito, escort nito na si Weng Marcos at ikinasugat ng kanyang may bahay at anak.

Sinabi ni South Upi Mayor Reynalbelt Insular na malaking kawalan sa LGU South upi ang pagpanaw ng Bise Alkalde dahil malaking papel at katuwang ito ng Executive department sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa bayan.

Ayon kay Mayor Insular, wala namang binanggit ang Bise Alkalde na mayroon itong mga natatanggap na pambabanta sa buhay bago naganap ang ambush.

Wala na rin aniyang away sa lupa o land conflict sa Barangay pandan dahil naresolba o naisa-ayos na ito.

Sa ngayon ay ipina uubaya na ng Alkalde sa PNP at Militar ang imbestigasyon sa ambush upang mapanagot ang mga salarin at malaman ang motibo ng pagpatay sa Bise alkalde.

Ito pa lamang ang unang termino ni Roldan Benito bilang Vice Mayor ng South upi.

Nananawagan naman si Mayor Insular sa lahat ng mga kamag anak at supporters ni VM Benito na maging mahinahon at ipaubaya sa PNP ang imbestigasyon sa kaso.