-- ADVERTISEMENT --

Nagbitiw sa puwesto ang hepe ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), si Brig. Gen. Jessie B. Tamayao, matapos ireklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ng kasong panggagahasa.

Ayon kay Tamayao, ang kanyang pagbibitiw ay hindi nangangahulugang siya ay guilty, kundi upang bigyang daan ang isang impartial at malinis na imbestigasyon.

Tiniyak niya na lilinis niya ang kanyang pangalan at mariing itinanggi ang alegasyon laban sa kanya. Iginiit pa niya na maaaring siya ay ginantihan lamang dahil sa pagiging tapat sa kanyang tungkulin bilang pulis.

Magugunitang inireklamo si Tamayao ng isang dating babaeng HPG police officer, na umano’y inaya ng hepe na makipagtalik habang hinahawakan ang kanyang maseselang bahagi ng katawan.