-- ADVERTISEMENT --
Ipinahayag ni House Speaker Bojie Dy na hindi niya hahawakan o pakikialaman ang magiging resulta ng deliberasyon.
Ayon sa kanya, sisiguraduhin niyang magpapatuloy ang proseso nang patas, ayon sa batas, at may transparency.
Iginiit ni Dy na gagawin ng Kamara ang kanilang tungkulin nang may propesyonalismo at paninindigan sa Saligang Batas.
Aniya, ang impeachment ay isang konstitusyonal na proseso at hindi isang pampulitikang palabas sa publiko.
Ayon pa sa kanya, tungkulin ng Kamara na suriin kung ang mga reklamo ay tama sa porma at substansiya.
Dagdag pa ni Dy, hindi ito usapin ng personalidad o pagkiling, kundi pagpapakita ng respeto sa mga institusyon at sa Konstitusyon.













