Hinimok ng mga miyembro ng House Committee on Justice ang kanilang mga kasamahan, kabilang si Paolo Henry Marcoleta, na basahin at unawain ang umiiral na mga patakaran sa impeachment bago magbigay ng pahayag tungkol sa mga pagdinig.
Ayon kay Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, mahalaga na ang bawat komento ay nakabatay sa tamang alituntunin upang maiwasan ang kalituhan ng publiko at matiyak ang maayos na proseso.
Samantala, sinabi ni Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government, na maging ang mga hindi miyembro ng komite ay dapat magbasa ng mga patakaran upang maging malinaw ang talakayan at maiwasan ang mga katanungang masasagot naman kung susundin ang rules.
Hinikayat din niya ang lahat na pag-aralan ang mga alituntunin upang maiwasan ang hindi kinakailangang pagtatalo at kalituhan sa diskusyon.
Iginiit naman ni Gerville Luistro, chairman ng justice panel, na ang lahat ng hakbang ng komite ay naaayon sa umiiral na mga patakaran.
Dagdag pa niya, maaaring ibigay kay Marcoleta ang kopya ng rules upang mas maunawaan nito ang proseso ng impeachment.













