Pumanaw na ang beteranong Hollywood actor na si Eric Dane sa edad na 53 matapos ang kanyang pakikipaglaban sa amyotrophic lateral sclerosis (ALS).
Nakilala si Dane sa kanyang mga pagganap sa mga seryeng Grey’s Anatomy at Euphoria.
Kinumpirma ng kanyang pamilya na siya ay binawian ng buhay noong Huwebes ng hapon (oras sa Amerika), sampung buwan matapos niyang ibunyag sa publiko ang kanyang diagnosis ng ALS—isang bihira at progresibong sakit na umaatake sa mga nerve cell sa utak at spinal cord.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kanyang pamilya: “With heavy hearts, we share that Eric Dane passed on Thursday afternoon following a courageous battle with ALS.”
Ayon pa sa pamilya, kapiling niya ang kanyang asawa at dalawang anak sa kanyang mga huling sandali.













