-- ADVERTISEMENT --
Aabot na sa 579,176 indibidwal, o katumbas ng 162,501 pamilya, ang patuloy na apektado ng pananalasa ni Bagyong Basyang sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 15,000 pamilya o humigit-kumulang 55,000 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Samantala, nasa 7,000 pamilya naman ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan sa labas ng mga evacuation site.
Naitala naman ang 12 nasawi, kung saan anim (6) ang kumpirmado at anim (6) pa ang patuloy na bine-beripika ng dead and missing cluster.
Mayroon ding 36 na sugatan na iniulat, bunsod ng patuloy na pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Mindanao.













