Umabot sa mahigit 700 na mga apektado ng baha dulot ng walang humpay na buhos ng ulan mula sa Barangay Zone III,Koronadal City ang nakatanggap ng food packs.
Pinangunahan ng LGU Koronadal, City Social Welfare and Development Office at Department of Social Welfare and Development Region XII ang pamimigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Kasabay nito, hinikaya’t ng DSWD ang mga apektadong pamilya na magkaroon ng disiplina sa sarili at wastong pagtapon ng basura upang maiwasan ang pagbaha na naging problema na rin hindi lamang sa lungsod ng Koronadal.
Nilinaw naman ng CSWDO na lahat ng biktima ng pagbaha sa nasabing barangay ay makakatanggap ng tulong sakaling hindi man naisama ang kanilang pangalan sa mga nakatanggap na ng tulong.
Matatandaan na sana halos isang libong pamilya din sa lungsod ng Koronadal ang naapektuhan ng baha dahil sa baha dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan dahil sa Easterlies.
Una rito, ipinasiguro naman ni PDRRMO Rolly Doane Aquino na bibigyan din ng tulong ang iba pang residente na apektado ng kalamidad sa ibat-ibang musipyo sa South Cotabato.
Sa ngayon, patuloy ang damage assessment sa mga lugar na apektado ng baha hindi lamang sa Koronadal maging sa ibat-ibang lugar sa South Cotabato