Arestado ang isang high value individual (HVI) at ang kasabwat nitong menor de edad matapos makumpiskahan ng nasa mahigit Php300,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy Silway 8, Polomolok, South Cotabato, nito lamang ika-19 ng Enero nitong taon.
Ayon sa ulat ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12, dinakip ang mga kinilalang suspek na sina alyas “Dan” (HVI) at ang kasabwat nitong si alyas “Jane” sa ikinasang buy-bust operation ng RPDEU 12 (lead unit), PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 12, Regional Intelligence Division 12 at Polomolok Municipal Police Station.
Dagdag pa, nahuli ang mga suspek matapos nilang pagbentahan ang isang police poseur buyer ng isang genuine Php500 bill at apat na pekeng Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Tinatayang aabot sa 50.4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php342,720 ang nasabat sa dalawang suspek.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.