-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang High Value Individual sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa operasyon ng PNP nito lamang Enero 6, 2025.

Kinilala ang arestadong suspek na si alays “Warren”, 40 anyos, tinuturing na Priority 10th High Value Individual Regional Level, No. 10 Municipal Most Wanted Person, at reisdente ng Brgy. San Jose, Norala, South Cotabato.

Naaresto ang nasabing suspek bandang alas-9:00 ng umaga sa nasabing lugar ng pinagsanib pwersa ng Norala Municipal Police Station at South Cotabato PNP sa bisa ng Arrest Warrant sa kasong paglabag sa Sec. 11, Article II ng RA 9165 na may rekomendadong piyansa na Php 200,000.