Sa pagsasara ng trading ngayong Marso 23, 2026, muling sumadsad ang halaga ng piso, na naitala sa P60.300 laban sa isang US dollar. Ito na ang pinakamababang exchange rate ng piso sa kasaysayan ng palitan, na mas mababa kaysa sa naitalang P60.100 noong nakaraang Huwebes, Marso 19.
Ang pagbaba ng halaga ng piso ay naganap matapos ang tatlong araw na walang trading, dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr noong Biyernes at ang pagsasara ng merkado sa weekend. Ayon sa mga eksperto, patuloy na naapektohan ang piso ng mga global na salik, tulad ng mataas na presyo ng langis at ang mga tensyon sa Gitnang Silangan, na nagdudulot ng takot sa buong ekonomiya ng mundo.
Inaasahan ng mga analyst na magiging kritikal ang mga susunod na linggo para sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahil ito ang magiging panahon ng pagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang katatagan ng piso at maiwasan ang mga masamang epekto ng patuloy na pagbaba ng halaga nito laban sa dolyar.













