-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkarelasyon matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad pasado alas-12:30 ng tanghali nitong Agosto 29, 2025 sa Purok 10, Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Junrey,” 25-anyos, security guard, residente ng Purok 1, Barangay Bantangan, Columbio, Sultan Kudarat; at ang kanyang kasintahan na si “Baby,” isang lady guard mula Barangay Bakikis, Kapatagan, Lanao del Sur.

Nasakote ang dalawa matapos umanong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang poseur-buyer na bahagi ng operasyon.

Nakumpiska mula sa kanila ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, isang pouch, isang motorsiklo, at P500 na buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang magkarelasyon habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.