-- ADVERTISEMENT --

Arestado ng awtoridad ang isang 37-anyos na lalaki makaraang lumabag ito sa COMELEC Gun Ban sa Purok Maharlika, Barangay Gumaga, Libungan, Cotabato noong ika-13 ng Enero 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Almer”, walang asawa, att residente ng nasabing lugar.

Sa report ng Libungan Municipal Police Station, personal na iniuat ng isang miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) sa kanilang tanggapan na ang suspek ay nagpapakita ng di kalibre ng baril sa isang solar dryer sa kanilang Barangay.

Agad namang tinungo ng awtoridad ang naturang lugar upang beripikahin ang nasabing ulat at dito na nila inabutan ang suspek na nakikipag-inuman at may nakasukbit na baril sa kanyang baywang dahilan para arestohin ito ng pulisya.

Nakuha mula sa suspek ang isang improvised single shot handgun na kargado ng isang bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code) ang isinampang reklamo laban sa suspek.