-- ADVERTISEMENT --

Simula noong Enero 12, ipinapatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigpit na “Gun Ban” para sa panahon ng halalan. Sakop nito hindi lamang ang mga tunay na baril kundi pati na rin ang mga replika ng baril, tulad ng airsoft at mga imitasyon na nagmumukhang tunay.

Sa Ginanap na Kapihan sa DavNor, Sinabi ni Atty. Norberto Sinsona Jr., election supervisor at information officer ng Davao del Norte, sa publiko na kailangang kumuha ng Certificate of Authority (CA) ang sinumang nagmamay-ari ng mga airsoft at replika ng baril upang magamit ito.

At nakasaad sa Ayon sa Section 1 (w) ng Comelec Resolution No. 11067, na naipasa noong Setyembre 25, 2024, itinuturing na baril ang mga airsoft at mga laruan na baril na maaaring magmukhang tunay sa mata ng karaniwang tao.

Airsoft guns, gi-present siya nga tinuod ang tan-aw sa iya, considered na pud siya nga firearms so mag-aplay na pud sila og certificate of authority para makarga nila ang ilang airsoft (it is representing a real gun in the eyes of the public, so it is considered as a firearm, so they’d [owners] have to apply for a certificate of authority so they can carry their airsoft),” ani ni Atty Sinsona.

Sumang-ayon din si Police Colonel Alexander R. Serrano Jr., Provincial Director ng Davao del Norte Police Provincial Office, sa hakbang ng Comelec. Ayon sa kanya, posibleng gamitin ang mga laruan o replika ng baril sa mga hold-up dahil sa kahawig nito sa tunay na baril.

“Grabe ang resemblance sa tinuod nga baril (the resemblance to a true gun is very close),” pahayag ni PCol Serrano.

samantala, nilinaw naman ni Atty. Sinsona na hindi na sakop ng “Gun Ban” ang mga patalim, tulad ng bolo at kutsilyo, batay sa Comelec Resolution No. 11067.

Gayunpaman, patuloy paring babantayan ng pulisya ang mga ito sa mga checkpoint lalong-lalo ngayon Election Period.

“If madakpan, file ta og illegal position of bladed weapons. (If apprehended, we’ll file illegal position of bladed weapons),” giit ni PCol Serrano.