-- ADVERTISEMENT --

Nagpaliwanag ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Davao Chapter kaugnay sa pagkakaloob ng Golden Pillar of Law Award kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Oktubre 6 sa Hall of Justice sa Davao City.

Ayon sa IBP, ang award ay ibinibigay sa mga abogado na naglingkod nang 50 taon o higit pa nang may dedikasyon, integridad, at husay sa pagsusulong ng batas. Binibigyang-diin nila na ang pagkilala ay nakabatay sa propesyonal na kontribusyon sa batas, at hindi sa politika o personal na pananaw.

Ito ay kasunod ng ilang batikos mula sa mga sektor na kumwestiyon sa pagbibigay ng award kay Duterte. Giit ng IBP Davao, ang award ay isang pagkilala sa propesyonalismo, integridad, at serbisyo publiko, at hindi endorsement sa anumang political acts ng dating pangulo.

Idinagdag ng IBP Davao na ang naturang pagkilala ay nagpapaalala sa kahalagahan ng dedikasyon at pamumuno sa larangan ng batas para sa lahat ng abogado sa bansa.