-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ng Petroleum Association of the Philippines (PAP) ang gobyerno na mas pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng paggamit ng natural gas, lalo na sa harap ng banta ng pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay PAP Chairperson Donnabel Kuizon Cruz, ang mas malawak na paggamit ng locally produced na gas ay makakatulong upang mabawasan ang pangangailangan ng bansa sa imported fuels, na magreresulta sa malaking matitipid para sa bawat konsyumer.

Giit niya, may kakayahan ang gobyerno na makipag-ugnayan sa mga power generation companies upang makatulong sa pagbawas ng presyo ng kuryente.