-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Pure Energy Garry Valenciano na kung makakausap man niya ang kontrobersiyal na si Alvin Aragon, handa siyang magbigay ng payo at magbahagi ng mga aral tungkol sa Diyos.

Sa isang interview, sinabi ni Garry, “Maybe someday, if we do talk, I’d like to find out, ‘Dude, what’s going on? What’s going on with you and God? Tara, share tayo. Tayo tayo lang. Walang makakaalam nito.”

Aminado si Gary V. na hindi niya alam ang kabuuang espirituwal na karanasan na pinagdaanan ni Alvin, ngunit iginiit niyang parehong Diyos ang kanilang pinaniniwalaan. “Well, I don’t know what kind of walk Alvin has had with the Lord that he talks about. And I know he’s talking about the same God that I’m talking about. We both quote from the same Bible, you know, and all,” pahayag ng batikang singer.

Para kay Garry, sinabi niyang hindi palaging madali ang pagsunod sa tinig ng Diyos, lalo na kung ito ay hindi katulad ng pananaw ng iba.

Pinuri rin ni Garry ang epekto ng kontrobersiya, na naging dahilan upang magbukas ang mas malalim na diskusyon tungkol sa pananampalataya. “I’m not one who will judge him, you know. He is as unperfect as I am. And I’m just thankful that he’s keeping himself grounded on what he believes in,” sambit ni Garry.

Magugunitang nagsimula ang viral statements ni Alvin matapos niyang punahin ang personal na buhay ng ilang miyembro ng SexBomb Girls, pati na rin ang kanilang pananamit at sayaw. Naging kontrobersyal din ang kanyang komento tungkol sa sexual orientation ni Sofia Trazona, ang transgender na anak ng kanyang misis na si Izzy mula sa kanyang dating partner.

Bilang bahagi ng kanyang mga pahayag, binanggit din ni Alvin ang Bibliya at ang ilang artistang magulang na tumanggap sa kanilang LGBTQIA+ na anak, kabilang sina K Brosas, Ian Veneracion, at Gloc 9. Dahil dito, maraming netizen ang bumatikos sa kanya at sa kanyang pamilya.