-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang simulan ngayong araw ang Game 3 ng Western Conference Finals na magsisimula ng 8:30 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Maghaharap ang San Antonio Spurs at Oklahoma City Thunder.

Bago ang kanilang pagtutuos, parehong koponan ay kailangang tiyakin muna ang kondisyon ng kanilang mga manlalaro dahil sa sunod-sunod na mga injury na kanilang tinamo.

Matatandaan na dahil sa right leg injury ng Filipino-American na guard ng Spurs na si Dylan Harper sa Game 2, hindi muna siya makakalaro.

Wala ring kasiguraduhan kung makakabalik ang kanilang kasama na si De’Aaron Fox dahil sa ankle sprain na natamo niya sa nakaraang laro.

Samantala, sa panig ng Thunder, hindi pa rin tiyak kung lalaro si Jalen Williams matapos ang kanyang hamstring injury sa Game 2.