-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng independent expert para suriin ang kanyang risk factors sa ilalim ng Rome Statute.

Ayon sa limang-pahinang desisyon, natapos na ng Panel ang kanilang mandato sa pamamagitan ng pagsusumite ng ulat, na maaari nang gamitin ng depensa.

Wala raw nakitang dahilan ang Chamber upang utusan ang Panel na gumawa ng karagdagang ulat na lampas sa orihinal na mandato.

Una nang hiniling ng kampo ni Duterte na ang Panel ay maghanda ng ulat batay sa kasalukuyang medical findings tungkol sa kanyang kapasidad.

Magugunitang ibinasura na rin ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang kahilingan ni Duterte para sa interim release, alinsunod sa Article 58(1) ng Rome Statute, na nagsasaad na mahalaga ang kanyang patuloy na pagkakakulong sa kasalukuyang kaso.