Inalis na ng pulisya ang espekulasyon na may foul play sa pagkamatay ng isang buntis na estudyante sa Makilala, matapos matuklasan na natural cause ang dahilan ng kanyang kamatayan.
Nadiskubre ang katawan ng biktima sa loob ng kanyang boarding house sa Brgy. San Vicente noong Disyembre 5, matapos mag-report ang tagabantay ng lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Makilala Police, mag-isa lamang sa kwarto ang estudyante habang ang kanyang kinakasama ay nasa Tacurong para magtrabaho.
Lumabas sa initial findings ng Crime Lab na nagle-labor ang biktima nang mag-isa at posibleng nalagutan ng hininga noong Disyembre 3 o 4 dahil sa matinding pagdurugo o blood loss, at walang senyales ng pananakit, sugat, o anumang indikasyon ng krimen.
Dagdag pa ng pulisya, hindi dumaan sa prenatal checkups ang biktima dahil itinago ng partner ang pagbubuntis mula sa pamilya.
Tumanggi rin ang mga kaanak na isailalim sa autopsy ang katawan.
Samantala, naging kontrobersyal ang insidente matapos kumalat sa social media ang maling haka-haka tungkol sa krimen.
Giit ng PNP na 100% natural cause ang ikinamatay ng estudyante at nananawagan sila sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.













