Nakapag-uwi ng bronze medal ang 30-taong-gulang na Pinoy pole vaulter na si Ernest John Obiena sa 2026 ISTAF Indoor Düsseldorf, na ginanap sa PSD Bank Dome sa Germany.
Nagpakitang-gilas ang Olympian sa taas na 5.65 metro, subalit nabigo siyang lampasan ang 5.70 metro, na siyang naghiwalay sa kanya sa gold
Ang gold medal ay napunta sa Dutch athlete na si Menno Vloon, na matagumpay na lampasan ang 5.75 metro, habang nakuha ng Amerikano na si Sam Kendricks ang silver sa 5.70 metro.
Ito ang isa na namang international podium finish para kay Obiena, na nagpapatuloy ng kanyang momentum mula noong 2025.
Noong nakaraang taon, napanatili niya ang kanyang SEA Games pole vault title sa Bangkok at nanalo rin sa World Pole Vault Challenge, na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa pinakamahusay na pole vaulters sa Asya.
Bukod sa kanyang medalya, naitala rin ni Obiena ang season-best mark sa indoor competition, na nagpapatunay ng kanyang consistency sa world-class competitions.
Sa kasalukuyan, nakapuwesto siya sa ika-11 na ranggo sa buong mundo sa pole vault, at inaasahan ng kanyang coaching team at mga tagahanga ang mas mataas na finish sa mga darating na international meets, kabilang ang World Indoor Championships at Asian Games.













