-- ADVERTISEMENT --
Abanse na sa Round of 16 ng Abu Dhabi Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos niyang talunin si Zeynep Sonmez ng Türkiye sa score na 6-4, 6-3.
Sa susunod na laban, haharapin niya si Aliaksandra Sasnovich ng Belarus, na kasalukuyang nasa ranking 109 sa mundo.
Bukod sa singles, makikilahok din si Eala sa doubles, kung saan makakasama niya si Janice Tjen mula Indonesia, at makakaharap nila ang Canadian na si Leylah Fernandez at ang Pranses na si Kristina Mladenovic.
Magugunitang nagtala si Eala ng career-high ranking na 45, na isa sa pinakamataas na naabot niya sa kanyang karera.













