-- ADVERTISEMENT --
Naghahanda na rin ang mga kapulisan sa Netherlands para sa confirmation of charges ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inaasahan nila na may ilang mga tagasuporta ng dating pangulo na magsasagawa ng pagtitipon sa lugar.
Bukod dito, may mga anti-Duterte na inaasahan ding magtipon, at maaaring magka-abot ang dalawang grupo. Mula nang ikulong ang dating pangulo sa Scheveningen Prison, ilang mga kababayan natin ang nagsasagawa na rin ng mga pagtitipon malapit sa nasabing lugar.
Ang confirmation of charges laban kay Duterte ay gaganapin mula Pebrero 23 hanggang 27.













