-- ADVERTISEMENT --

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-BARMM at 34th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Mascod”, na naaresto sa operasyon sa Purok 1, Balacayon, Barangay Pahamuddin, SGA-BARMM nitong Lunes, July 29.

Nakuha mula sa kanya ang tinatayang 5 gramo ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, dalawang baril, isang granada, at ilang piraso ng bala.

Nahaharap ngayon si alyas Mascod sa multiple criminal charges, kabilang na ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition, at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy kung may koneksyon ang suspek sa mas malawak na drug network sa rehiyon.