Sa tahimik na paraan isinagawa ang huling pamamaalam sa country music icon na si Dolly Parton, matapos siyang ilibing sa isang pribadong seremonya sa Nashville, Tennessee.
Inilagak ang 80-anyos na singer sa Woodlawn Memorial Park and Mausoleum, kung saan siya inilibing sa tabi ng kaniyang yumaong asawa na si Carl Dean. Tanging mga malalapit na kapamilya ang dumalo sa seremonya na isinagawa noong Biyernes, Agosto 28.
Samantala, nagbahagi rin sa social media si Lainey Parton, great-niece ni Dolly, ng kaniyang personal na mensahe matapos ang paglilibing, kung saan inalala niya ang pagiging mapagmahal at mapagkalinga ng singer bilang miyembro ng kanilang pamilya.
Pumanaw si Parton noong Agosto 25 sa edad na 80 matapos ang isang maikling pakikipaglaban sa cancer, ayon sa kaniyang mga kinatawan. Hindi naman isiniwalat sa publiko ang partikular na uri ng cancer na kaniyang tinamo.













