-- ADVERTISEMENT --

Nasawi sa naganap na engkwentro ang isang miyembro ng Dawlah-Islamiyah Maute Group matapos makasagupa ng mga tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion sa Sitio Palangakon, Barangay Pawak, Salvador, Lanao del Norte, kamakailan.

Kinilala ang napatay na si Ibrahim Ampaso, alyas Ibra o Abu Raas, na kabilang sa Priority Suspect Record List #4 ng mga otoridad.

Tumagal ng dalawampung minuto ang palitan ng putok matapos paputukan ng tatlong armadong suspek ang mga sundalo.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16A1 rifles, dalawang M14 rifles, isang M203 grenade launcher, mga bala, radyo, at ilang cellphone.

Pinuri ni Brigadier General Ronel Manalo ng JTG Magbalantay ang katapangan ng mga tropa, habang sinabi ni Major General Yegor Rey Barroquillo Jr. ng JTF ZAMPELAN na patunay ito ng matagumpay na operasyon at matibay na ugnayan ng militar at komunidad laban sa terorismo.