-- ADVERTISEMENT --

Ipinapaubaya ng Department of Education (DepEd) sa mga private schools ang desisyon kung ipapatupad nila ang trimester system. Kasunod ito ng pahayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na hindi nila ipatutupad ang naturang sistema.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, may flexible school calendar ang mga private schools kaya hindi sila kinakailangang sumabay sa iskedyul ng mga pampublikong paaralan. Inihalimbawa niya na may ilang private schools na ipatutupad ang pagtatapos ng kanilang mga estudyante sa buwan pa ng Mayo.

Magugunitang ipatutupad na ng DepEd ang trimester system ngayong school year 2026-2027. Sa ilalim ng scheme na ito, magsisimula ang unang semester mula Hunyo hanggang Setyembre, ang ikalawang semester mula Setyembre hanggang Disyembre, at ang ikatlong semester mula Enero hanggang Marso.