TUPI, SOUTH COTABATO – Nagkagulo ang sitwasyon sa Sitio Atbangan, Barangay Tubeng, Tupi, South Cotabato matapos simulan ang demolisyon ng mga bahay sa lugar.
Umabot sa tensiyon ang pagitan ng mga residente at mga otoridad, na nagdulot ng pinsala at pag-aresto sa ilang indibidwal.
Ayon sa kuhang video ni Michaella Bodyang Dalig, nagsimula ang kaguluhan bandang nang dumating ang kapulisan upang ipatupad ang demolisyon. Agad namang tinutulan ng mga residente ang operasyon, na nagdulot ng sigawan at pagtutol.
May ilang indibidwal ang napaulat na nasaktan sa gitna ng tensiyon, habang ilang iba naman ay dinala ng pulisya at inaresto kaugnay ng naturang kaguluhan.
Sa kuhang video, makikita din na may paghihigpit at tensiyon sa pagitan ng mga awtoridad at mamamayan, na nagbigay daan sa masinsinang interbensyon ng pulisya upang maibalik ang kaayusan.
Samantala, nanawagan ang ilang lider ng komunidad sa parehong panig na panatilihin ang kalmadong pag-uusap upang maiwasan ang mas malalang insidente sa hinaharap.
Humihingi naman ng tulong ang mga resident sa provincial government ng South Cotabato na pumagitna upang maresolba ang problema.