Pormal na ihaharap ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mahistrado ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingang maibalik siya sa Pilipinas at sa piling ng kanyang pamilya.
Sa pagdinig, inilatag ng defense counsel na si Nicholas Kaufman ang susunod na hakbang ng kanilang depensa. Sa kanyang pahayag sa hukuman, tinukoy pa niya ang dating pangulo bilang “Tatay Digong” at mariing nanawagan ng, “Give him back to his family,” bilang bahagi ng kanilang apela.
Ayon sa kampo ng depensa, layunin ng kanilang manipestasyon na maiparating sa ICC ang damdamin at paninindigan ng pamilya at mga tagasuporta ng dating pangulo sa Pilipinas.
Ang hakbang na ito ay isinagawa habang nagpapatuloy ang pagdinig at presentasyon ng mga ebidensya kaugnay sa imbestigasyon ng ICC sa madugong kampanya kontra droga noong nakaraang administrasyon.













