-- ADVERTISEMENT --
Itinalaga bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino si Sebastian Duterte matapos ang isinagawang National Council Meeting ng partido.
Nagkaisa ang mga lider at miyembro ng konseho na ipagkatiwala sa alkalde ng Davao City ang pamumuno, sa paniniwalang maipagpapatuloy niya ang adbokasiya ng PDP na maghatid ng serbisyo sa mamamayang Pilipino.
Ibinahagi naman ni Bong Go ang mga larawan mula sa panunumpa ni Duterte, na sumasalamin sa suporta ng mga kaalyado sa bagong liderato ng partido.













