-- ADVERTISEMENT --

Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa punong himpilan ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Sitio Sto. Nino, Brgy Centrala, Surallah, South Cotabatonoong Disyembre 10, 2024.

Kinilala ni Police Major Roel Vergel Parreno, Force Commander ng 2nd SCPMFC, ang mga sumukong miyembro na sina alyas “Mistah Pogi”, 39 anyos, residente ng Brgy Zion, Maitum, Sarangani Province at si alyas “Ka Willie”, 25, residente naman ng Brgy Ned, Lake Sebu, South Cotabato, at kapwa dating mga kaanib ng teroristang grupo mula sa Guerilla Front Musa ng Far Southern Mindanao Region.

Ang nasabing pagsuko ay resulta pagsisikap ng 1st SCPMFC, 2nd SCPMFC, T’boli MP, South Cotabato Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 12, Regional Special Operations Group 12, CIDG SCPFU, at sa pakikipagtulungan ng Local Government Units at opisyales ng Sitio Motosom, Brgy Laconon, T’boli, South Cotabato.

Agad namang binigyan ng kapulisan ng tulong pinansyal at sako ng bigas ang mga Former Rebel na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng 1st SCPMFC para sa debriefing at tamang disposiyon.

Hinihikayat ni Police Regional Office 12 Director, Police Brigadier General Arnold P Ardiente sa mga natitira pang ibang miyembro ng mga naturang grupo na sumuko na sa awtoridad at makamtam ang benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).