-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng dalawang lalaki na natagpuan nang walang buhay sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ayon sa paunang ulat mula sa Shariff Aguak Municipal Police Station, isa sa mga biktima ay nakilalang si Denver, negosyante at residente ng Purok 6, Bago Gallera, Talomo District, Davao City.

Samantalang, patuloy pang kinikilala ang identity ng isa pang lalaking natagpuang patay din sa nasabing lugar.

Ayon sa mga lokal na opisyal, posibleng kinidnap ang mga biktima, pinatay, at itinapon na lamang sa isang madamong bahagi ng Shariff Aguak.

Sa ngayon, nananawagan ang mga otoridad sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa anumang impormasyon na may kaugnayan sa krimen.