-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa Barangay Pimbalayan, Lambayong, Sultan Kudarat ngayong gabi.

Sa inisyal na ulat, parehong wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima kaya’t hinihiling ngayon ng mga otoridad sa sinumang nawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa Lambayong PNP upang matulungan sa pagtukoy sa mga ito.

Batay sa impormasyon, sakay umano ang mga biktima ng motorsiklo bago matagpuang patay, ngunit hindi na nakita ang kanilang motor sa pinangyarihan.

Parehong nakatali ang mga kamay ng mga biktima at may tattoo sa paa ang isa sa kanila.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng follow-up investigation ng mga pulisya upang matukoy kung sino ang responsable at kung ano ang motibo sa krimen.