-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa isang welder habang kumakain sa isang canteen/food stall sa Doña Theresa Strt. Poblacion 4, Cotabato City.

Kinilala ng PNP ang biktima na si Edgardo Magsala, isa umanong Installer at welder sa pinapatayong KCC Mall na residente ng Cebu City, ngunit kasalukuyang namamalagi sa Barracks sa loob ng KCC construction site sa Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City

Habang ang isa sa suspek ay kinilala na si Fahad at mayroon pa itong dalawang kasamahan

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, na kumakain umano ang biktima sa isang canteen/food stall nang bigla na lamang lapitan ng mga suspek at walang habas itong pinag babaril, kung saan nag tamo ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad ikinabulagta sa sahig

Agad pa itong na isugod sa pagamutan ngunit idineklara ring Dead on Arrival ng attending physician

Narekober mula sa crime scene ang (6) na basyo ng bala mula sa Caliber. 45 pistol na pinaniniwalaang ginamit sa krimen

Love triangle o personal grudge naman ang nakikita ng PNP na posibleng motibo sa krimen.

Pinaghahanap naman sa ngayon ang suspek na responsable sa pamamaril sa biktima.