-- ADVERTISEMENT --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa, sa kabila ng reklamo ng ilang residente ng Bocaue, Bulacan na nahihirapan umano silang makabili nito.
Ayon sa ilang negosyante sa lugar, nagkakaroon sila ng problema sa pagkuha ng suplay ng bigas na kanilang ibinebenta, kung saan umaabot pa hanggang magdamag ang kanilang pagpila upang makakuha ng paninda.
Ipinaliwanag ni DA spokesperson Arnel de Mesa na kasalukuyan pa lamang dumarating sa bansa ang suplay ng imported na bigas, matapos ang pagtatapos ng import ban noong katapusan ng 2025.













