-- ADVERTISEMENT --

Tumanggap ng paunang tulong na bigas at pinansyal ang isang dating Communist Terrorist Group o CTG member na sumuko sa 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Aurora Street, Barangay Zone IV, Koronadal City, South Cotabato, nito lamang ika-14 ng Enero 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rey D Egos, Force Commander ng 1st SCPMFC, ang surrenderee na si alyas “Ka Jacky” na dating kasapi ng Guerilla Front Musa Brigol Command Platoon East ng CTG.

Dala rin nito ang isang paltik na Cal. 38 at granada bilang tanda na seryoso ito sa kanyang pagbabalik loob sa pamahalaan.

Ayon kay PLtCol Egos, makatatanggap pa ng dagdag na tulong mula sa pamahalaan ang Former Rebel sa pamamagitan ng paglakip sa kanya sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang matiyak ang kanyang tuloy-tuloy na pagbabagong buhay.