Naisumite na ni Vice President Sara Duterte ang kanyang Consolidated Answer Ad Cautelam sa House Committee on Justice noong Lunes, Marso 16, 2026, bandang alas-4:30 hapon, ayon kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon.
Sabi ni Ridon, bahagi ng legal na reaksyon ni Duterte ang dokumentong ito sa mga isyung tinalakay ng komite ng House of Representatives.
Ang answer ad cautelam ay isang uri ng sabat na isinasagawa upang tugunan ang mga alegasyon, habang pinoprotektahan ang karapatan ng naghain na magkuwestiyon sa proseso o hurisdiksyon ng kaso.
Inaasan na ipapakita ng kampo ni Duterte ang kanilang depensa at posisyon sa mga reklamo at isyu na patuloy na binabalangkas sa komite, sa pamamagitan ng isinumiteng consolidated answer.
Samantala, inaasahan na tatalakayin ng House Committee on Justice ang dokumento bilang bahagi ng kanilang patuloy na pag-review sa mga reklamo laban sa Bise Presidente.













