KORONADAL CITY– Masayang ipinagdiriwang ngayong araw ang mga kababayang Muslim sa Mindanao ang Eid’l Fitr o ang opisyal na pagtatapos ng Ramadan.
Ito ay matapos na idineklara ni Bangsamoro Grand Mufti Abuhuraira Udasan ang pagkakakita ng buwan kagabi at idineklara ang selebrasyon ngayong araw ng Lunes, Mayo 2, 2022.
Bilang pagtatapos ng Ramadan ay madaling araw pa lamang nag-ingay na at nagtipon sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa Mindanao ang mga mananampalatayang Islam.
Ito ay upang magsagawa ng congregation of prayer bilang pasasalamat na natapos na ang isang buwan na pag-aayuno.
Sa lungsod ng Koronadal, nagtipon at nanalangin ang mga Muslim kasama ang kani-kanilang mga pamilya sa Grand mosque, at mga malawak na lugar kasabay nang pagtatapos ng Ramadan.
Ayon kay Grand Mufti Udasan, ang pagkakakita ng buwan kagabi ang siyang hudyat ng masayang selebrasyon ngayong ara.
Ayon naman kay Sultan Mutalib Sambuto, ang provincial Muslim Affairs Chief ng South Cotabato ang kanilang pagtitipon ngayong araw ay sesentro sa pasasalamat o thanks giving dahil napagtagumopayan nila ang isang buwan na pag-aayuno.
Ngayong araw ang pinakamasaya at pinakamataas na selebrasyon para sa lahat ng mga Muslim sa buong mundo.
Isinasagawa rin ang Musalla o ang pagsamba sa mga mosque kung saan kasabay ng pagdiriwang ng Eidl-fitr ay makikita ang pagpapatawad at pagkakaisa na dapat isabuhay ng isang totoong Muslim.
Kaugnay nito, hinigpitan ang seguridad sa palibot ng mga lugar na sentro ang pagtitipon para na rin sa katiwasayan ng selebrasyon ng Eid’l Fitr.