-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng Embahada ng China sa Pilipinas ang anumang pagkakasangkot ng China sa mga alegasyon ng pang-iispiya. Ayon kay Chinese Embassy spokesperson Ji Lingpeng, mahigpit na sinusunod ng China ang prinsipyo ng non-interference sa mga internal na usapin ng ibang mga bansa.

Kinondena rin ni Ji ang pahayag ng National Security Council (NSC) ukol sa mga alegasyon ng espionage, na aniya ay walang basehan.

Magugunitang kamakailan lang, ibinunyag ng NSC na ilang empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa umano’y pagsasagawa ng pang-iispiya. Ang mga akusado ay iniuugnay sa China at sinasabing binayaran ng gobyerno ng China upang magbigay ng sensitibong impormasyon.